Mahal Mo Ang Diyos At Bayan Pacquiao Poem by Captain Herbert Poetry

Mahal Mo Ang Diyos At Bayan Pacquiao

Rating: 5.0

Mula sa mga magsasaka, sundalo, kapulisan, mga ordinaryong tao
at lahat ng mamayan ay titigil para sa ilang oras
ng kapayapaan at pag-ibig sa Inang Bayan
Krimen, masasamang loob at lahat ng kalsada ay tatahimik
ng dahil sa di-pangkaraniwang
at mala-mahikang pagbabago sa milyong tao.
Kampeon ka lagi sa amin, kampeon sa lahat bagyo’t trahedya
na tumulong na ibinabalik sa mahihirap,
at kampeon ka sa ipinakita mong dangal ng isang tunay na Pinoy
sa diwa, salita’t gawa.
Mga network magsasasama -sama, gobyerno’y handa na sa suporta,
mga bata, nanay, tatay, lolo, lola, kuya, ate, dukha, mayayaman,
at ang mga simpleng Juan dela Cruz ay magtitipon
para sa isang kasaysayan, para sa isang luwalhati’t pagsinta
at Para sa Isang Pilipinas ng Kapayapaan, Pag-ibig
at Pagbubuklod.

Saturday, May 2, 2015
Topic(s) of this poem: country
COMMENTS OF THE POEM
Bernadette Fernandez 08 May 2015

Manalo, matalo, Bayani ka sa puso ng ating bansa at bayani ka sa puso ng Diyos.

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success