Mulat (Awake) Poem by Rey Benipayo

Mulat (Awake)

Rating: 5.0

Panahon na mga kabayan
Para bumangon muli
Ayusin ang buong bansa
Na sadyang namatay at pinatay
Ng mga politikong makasarili
At ganid sa kapangyarihan

Huwag nang matakot pa
Dahil marami tayo
Tapusin na ang anumang bangayan
Dahil iisang lahi tayo
At siguradong wala na namang mangyayari
Magbayanihan na lang tayo
Huwag nang puro satsat
Dahil hindi makatulong ang mga salita
Gawin na lang ang dapat at kailangan

Tapos na ang panahon ng mga oligark
Na pinagmukha tayong tanga
Ginisa gisa lang tayo sa lahat ng oras
Pinaasa tayo sa mga pangakong napako
At maraming kasinungalingan

Mga kabayan ko, panahon na
Para sa panibagong kasaysayan
Panahon na ng mga pagbabago
Na sana ay noon pa nangyari
Kaya natin ito, malalagpasan natin ito
Wala nang makakapigil pa sa atin!

***
My fellow Filipino, it's time
Let us rise again
Organize the whole country
Who died and killed
By those selfish politicians
Hungry for power

Let's not be afraid anymore
Because we are too many
Let's stop quarreling
Because we are at same race
And definitely nothing will happen
Let's just help each other
Stop complaining
Words won't help our country
Just do what's right need and need to do

Years of the oligarchs is over
They made us look stupid
We are all brainwashed
Make us believe for a broken promises
And even all their lies

My fellow Filipino, this is the time
For a new history
For a changes to happen
That suppossed to happened decades ago
We can do this, we can pass this battle
Nothing can stop us now!

Thursday, March 15, 2018
Topic(s) of this poem: change,country,people,people power,time
COMMENTS OF THE POEM
Bernard F. Asuncion 16 March 2018

Rey, such a powerful profound poem....10+++++

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success