Nang Ako'Y Binago Niya Poem by Catherine Agunat

Nang Ako'Y Binago Niya

Nang ako'y binago Niya
Naging maayos takbo ng buhay
Araw-araw may galak, may tuwa
Biyaya ay walang patid walang humpay

Nang ako'y binago Niya
Kaligayahan sa puso ay pinaapaw
Lahat nang pasanin ay nawala
Naging positibo ang mga pananaw

Nang ako'y binago Niya
Paligid ay lubusang gumanda
Ngiti sa mga labi'y di nawawala
Bawat salita ng bibig ay nagpapasigla

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success