Noon At Ngayon Poem by Pacific Hernandez

Noon At Ngayon

N'ong aming panahon,19kopong-kopong
Wala pang computer, wala pa ring cellphone
Noon baduy kami kumpara sa ngayon
At napag-iwanan ng sibilisasyon

Pag mero'ng bagong chix sa 'min na napadpad
Sa gabi ay aming hinaharana agad
Iyon ang aming modus para makilala
Ang nababago't (pag) magandang dalaga

Ang napapansin ko'y iba sila ngayon
Pag merong bagong chix, ang agad na tanong
Meron ka bang email o kaya ay cellphone
Ng facebook, twitter o landline na telephone

Wala kaming facebook, pero may 'autograph'
Maliit na libro ang wangis at tulad
Doo'y walang album, may profile pix kami
Litratong 1 x 1, para lang sa ID
Nasabing autograph ang laman ba'y ano
Due to lack of space ay walang gaano
Siempre ang number one, 'Pangalan mo'y ano? '
Address, birthday, motto, peborit actor mo
Kay dami pang ek-ek na kung anu-ano
Na iyong sasakyan dahil siyang uso

Noon ang binata kapag nakahawak
Ng litrato ng chix ay galak na galak
Lalo na't sa likod ay may dedication
Ng chix na subject ng kanilang atension

Dedikasyong baduy, dedikasyong korni
Sa 'min ay may dating, kinikilig kami
Bilang halimbawa, sampol ay narine
'Remember M, Remember E
Put them together, Remember ME'
Narito pa'ng isa, at meron pa pala
'Sa ganda ay wala, sa alaala ay sagana'

To make the story short, sa madaling sabi
Sa litrato ng chix ay excited kami
At sa aming wallet, laging palamuti
Ang eksenang gano'n, di na makikita
Dahil ang situation ngayon na ay iba
Litrato ngayon ay sampu isang pera
Dahil sa digital, at cellphone camera

Gano'n din naman ang panyolito ni Juliet
Ng pilyong si Romeo'y laging inuumit
Ito ay lucky charm ng isang binata
Lalo na't si Juliet ay love na love niya nga
Panyolitong laging kipit-kipit noon
Wala't, tissue paper ang pumalit ngayon
Pamunas na lang ng kilikili't sipon

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success