Kapag nasa simbahan ka’y santo agad ang pagtingin
Kaunting mali’y nakikita agad at inuusig
Perpekto ang pagkilala ng hindi dapat bumagsak
Aso at kabayo ang pagturing sa mga gustong lumakad ng tuwid
Madalas ang paghusga na hindi naman ang totoong kalooban
Kung sino pa ang mga baliko siya pang malinaw ang mata
Siya na bingi sa langit siya pang nakikinig at nagkakalat
Marami naman na ginawa subalit ang sinpleng kahinaan ang pinapansin
Walang taong banal at lahat ay nagkakasala araw-araw
Subalit may mga gustong sumuko patungo sa pagbabago
Hindi biglaan at dahan dahan lamang sa pagkontrol ng sarili
Kahit nagpapakita na ng maganda ay meron at marami pa rin ang nakatuon sa ating madilim na nakaraan
Maraming ayaw na ang pangit at mga maling kahapon
Mga punagsisihan na nakalipas ay may mga umuungkat pa rin
Pilit man kalimutan sa paligid may mga humihila pa rin
Sana’y maraming nagpipigil sa kanilang mga salita na dumadaan sa mga pagsubok
Maraming doktor na nagpapagaling ng mga pisikal na katawan
Ngunit may Isang Manggagamot na papasok sa ating puso na hihilumin lahat ng uri kabigatan at lahat ng uri ng sakit sa ating damdamin
Tatanggapin natin Siya at pupunta sa Kanyang Ospital
upang makita at maunawaan na tayong lahat ay nagpapagaling pa sa ating mga karamdaman ng ating mga puso.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem