Paalam, Goodbye Poem by Rey Benipayo

Paalam, Goodbye

Ayo ko na, tama na please!
Sa relasyong ito, ikaw na lang parati nasusunod
Paano na lang ako?
Paano kung nagsasama na tayo?
I've been so stupid with my whole life
Lagi mo na lang akong niloloko
Ang dami mong hinihingi
Bili mo ako nito, bili mo ako niyan
Isinanla ko na nga ang lupa
At buong hacienda ko dahil sayo!
Halos maubos na ang pera ko
Sa kakapadala ng pera at kung anu ano sayo
Para kang pusang malambing
Ayo ko na, tama na
Ni I love you wala akong narinig sayo
Puro na lang give me that, buy me that!
Palibhasa nakilala lang kita sa social media
At ni minsan ay hindi tayo nagkita
Marami kang dahilan at maraming nangyayari
Kesyo nadengue ka, naholdap ka,
Namatay ang alaga mong pusa
Marami pang ibang dahilan
Kailan ba tayo magkikita?
Oo mahal na mahal kita
Dahil sa profile mo
Ay nainlove ako sayo
Pero tama na dahil may kutob akong
Niloloko mo ako at ibang tao ka
Tama na dahil bukas titira na ako
Sa squatter's area dahil poor na ako
Kaya ngayon pa lang...
Paalam in tagalog, Goodbye in English!

Saturday, September 1, 2018
Topic(s) of this poem: english,hindi
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success