Paanyaya Poem by Catherine Agunat

Paanyaya

Halika
sa aking hardin
Aliwalas ng buhay
ating lalasapin

Pintuan mong sarado
ay bubuksan ko
Aking ipapasilay liwanag
nitong mundo

Pagkabihag mo sa iyong kahapon
kita'y pakakawalan
Papawiin ko mga pangamba
mo't alinlangan

Dagta ng kaligayahan
aking ihahandog
Sa taglay kong halimuyak
tiyak ika'y mabubusog

Tugatog ng tagumpay
tutulungan kitang akyatin
Sakaling sa kapit ay makabitaw
handa akong ika'y saluhin

Sa iyong paglalakbay
ako'y iyong magiging tungkod
Aalalayan kita maging hanggang
sa iyong puntod

Pagdalaw ng mga bagyo't unos
hindi man maiiwasan
Subalit mga balikat ko'y
sapat mo nang masandalan

Matitisod o madadapa ka man
hinding hindi tatalikuran
Bisig at kamay ko'y asahan mo
na iyong makakapitan

Halika

Wednesday, August 10, 2016
Topic(s) of this poem: invitation
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success