Pagdaloy Poem by Grace Svensson

Pagdaloy

Aking dinaraanan
Masakit sa paa na tawiran
May mga salamin
At bubog kung minsan

Kahit anong tsinelas
Mapasapatos man
Ay para bang walang ligtas
Kung hindi sila ay masisira lamang

Samahan pa ng mga ulan
Bagyo kung miminsan
Kidlat ay hindi paiiwan
Mga kulog na naglulundagan

Aking nais iyong malaman
Ako ay nagsusulat lamang
At pinababayaan… lumutang
Lamang ng aking kaluluwa, puso at isipan.

Copyright © Grace Svensson
September 16,2022

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success