Minsann dumating isang delubyo
Ako ay nagapo
Halos mawala sa sarili ko
Nainip at di mapagtanto
Me isang tao sa akin kumausap
Nais mo bang humagilap
Ng iyong gagawin sa isang iglap
Nais mo bang kalimutan delubyong naganap?
Ako ay umupo at me napansin
Nagkalat na papel nais gamitin
Me mga brotsa na naglulundagan
Nais ata nilang makipagsayawan din
Aking sinubukan silang hawakan
Ngunit ayaw na nila akong bitawan
Simula noo´y di na tumigil
Sa simulang pagpipinta marahil.
Copyright © Grace Svensson
January 25,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem