Pag-ibig o pag-ibig
Ikaw ay kailan man ay di patutupig
Sa mga mapaminsala na pag iisip
Ng mga aninong tila ba kay sikip
Makapangyarihan sa lahat ng bagay
Lahat gagawin kahit pa ay sumuway
Sa husga ng bayan
O kahit kanino man
Maaakit sa sandali
Sa mga mumunting miminsan ay sawi
Sa musika ng alapaap na dili
Nais mo bang ikaw ay iyakap ng pili
O igapos aking puso at kaluluwa
Sa walang humpay na saya
Sa kinabukasan o pangarap
Na aking na ngang tuluyang malasap.
Copyright © Grace Svensson
September 24,2022
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem