Ikaw ang nagbigay
Ng hiram kong buhay
Na walang inaantay na kapalit
Ipinagkaloob mo ng sapat
Ako ay umabot sa aking kinalalagyan
Na puro basbas mo
Ang dahilan
Salamat mahal kong Ama
Ako ay patuloy mong binabatayan
Sa mga balakid ako
Ay hinahagkan
Sa tuwi-tuwina inaalo mo ako
Kahit sa pag-iyak
Pinapahiran mo halos ang luha
Alam kong ayaw mong makita
Na ko ay naghihirap
Kapag ako ay mayroong suliranin
Ikaw ay nag-aantay lamang
Na aking sambitin
Ang iyong pangalan
Minsan ako ay nanghihina
Sa aking pananampalataya
Nawawalan ng pag-asa
Sa madilim na mukha
Pinapaalala mo sa iyong paraan
Ako ay di nag-iisa
O Diyos na mahal
Andyan ka lamang
Mahal kong Ama,ako nawa ay bantayan
Ilayo sa lahat ng hapis
Ako ay patawarin
Ng labis.
Copyright © Grace Svensson
February 6,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem