Rosas Poem by FRAGMENTS AND PIECES

Rosas

Ang kulay na sa akin ay nakabighani
tunay bang mananatili

ang bango mong taglay
sana nga'y di mawalay

ang dahong kulay berde
pagmasdan ay nakakawili

kagandahan ng totoong bulaklak
parang pusong busilak

nais kitang hawakan
ngunit baka ikaw ay masaktan

ito na nga at sadyang hindi ko napigilan
pagdampi ng kamay ko'y tinik ang nakamtan

hapdi ang tanging naramdaman
ngunit sa isip ikaw pa rin ang laman

pagbitiw ko ay para sayo
hindi ibig sabihin natatakot na ako

nagyon ang aking kamay ay nagdurugo
sa pagnais na ikaw ay mahawakan at masuyo

rosas kong hinahangad
kilan ka makakadampi sa aking palad.


(madero/16august2011naga)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success