SA AKING BINIBINI (Ms. Reziele Eigo)
Melvin Banggollay
magandang umaga sa iyo binibini
na bumighani sa akin ng matindi
sa mga tulang sadyang kawiliwili
at sa simoy ng matatamis na ngiti.
Sana Dios ay lagi kang biyayaan
ng magandang buhay at kayamanan
ganun din ng malakas na katawan
at pag-ibig na bukal sa kalooban.
Lalo na sa tulad kung nabighani
sa taglay mong kagandahan at ugali
na kahit di ko nasilaya'y matindi
ang tama ko sa iyo aking binibini.
Salamat and happy birthday
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem