Pacific Hernandez

Freshman - 838 Points (September 17,1937 / Marikina City)

Sa Dulo Ng Landas - Poem by Pacific Hernandez

Landas ng buhay ko nang aking simulan
Kay daming pangarap akong tinatanaw
Pinilit kong sila ay aking marating
Subalit mailap, hindi naging akin

Sa dulo ng landas, ako na'y naroon
Ang dinaanan ko ay aking nilingon
Walang mga bakas akong maaninaw
O kahit na anong pagkakakilanlan
Na minsang ako'y do'n sumagi't dumaan
Ang mga yapak ko kung nagkaroon man
Mga iyon kaya ay mabuting sundan

Topic(s) of this poem: lifestyle


Comments about Sa Dulo Ng Landas by Pacific Hernandez

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Saturday, December 4, 2010

Poem Edited: Sunday, April 12, 2015


[Report Error]