Sa iyo aking Irog
Ni Melvin D. Banggollay
Yolanda, diyosa ka sa paningin
Sa ganda mong nagniningning
Na puno ng kakaibang halimuyak
At bango ng isang pulang bulaklak
O giliw ko sana’y iyong dinggin
Ang samyo ng aking damdamin
Na ikaw lang ang tanging pilak
Na hatid ay tunay na pagkagalak.
Lagi kang nasa sa aking panaginip
At Laman ng aking damdamin at isip
Na para bang ako’y laging nasa ulap
Pag nakikitaka’t sadyang nakakausap.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
wow, thats very deep, good to be in-love :)