Sa kabukiran
Ay pawang payapa
Kapaligiran
Ay humuhupa
Mga puno ay kumakaway
Hangin sumasabay
Kaluwalhatiang taglay
Kabundukan nais ding yumagayway
Mga kalabaw at kabataan
Nagtatampisaw sa dalampasigan
Maririnig tanging
Kanilang hiyawan
Mga punongkahoy hitik sa bunga
Mayroong manga, santol at pinya
At kay tatamis nila
Halika mamitas ka
Mayroon ding mga magsasaka
Nag-aawitan sa saliw ng musika
At me paindak-indak pa
Sa tinikling sumasaliw na
Kay sarap namnamin
Ganitong pagkakataon
Purong kaligayahan
Halina at umuwi sa nayon
Copyright © Grace Svensson
February 8,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem