Gusaling nagtataasan
Di mabilang kung ilan
Ang iyong mga mata ay naduduling
Sa kagandahan
Parang mahihipnotismo sa kapaligiran
Kahit na maingay ay ayos lang
Hitik na trapiko dito, doon
Ay walang pakialam
Kay daming tao
Lahat mukhang masaya
Walang kaligaligan
Na maaninagan
Kahit mataas ang polusyon
Kahit masikip na
Ito ay aking tirahan
Sapagkat ako ay masaya.
Copyright © Grace Svensson
February 8,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem