TANGING IKAW ANG AWIT
Melvin Banggollay
Tanging ikaw ang awit
Ng bawat tulang ginagawa
Pagkat Ikaw ang nakapiit
Sa kislap ng isip ko’t diwa
Dahil ikaw ang sinasambit
Nitong puso ko’t kaluluwa.
Kahit ano mang aking pilit
Na ika’y sa puso’y mawala
Alaala mo pa rin ang nakaukit
Sa bawat pintig nitong diwa
Dahil ika’w lang ang paulit-ulit
Na ina-awit sa tuwi-tuwina.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
galing kapatid...happy valentines