TAO LAMANG
Nagkakamali rin sa pag-ibig na kusang nasasaktan
Nahuhulog sa akit at tamis ng pagmamahalan
Minsa’y mahirap na umahon kapag lumalangoy na sa masarap na agos
Nalalasing sa mga indayog ng ng mababaw na kamunduhan
Humahakbang sa mga bawal gawin at hindi dapat patunguhan
Nagagamit ang katawan sa mga tukso ng kalamnan
Ang isip ay binubuksan sa mga baluktot na pananaw
Mga mata’y nanonood sa ikarurumi ng pagkatao
Hindi umaayaw at tumatanggi sa mga uso ng kaberdehan
Madaling mahikayat sa kalokohan bilang libangan
Ayaw gumawa ng kabutihan dahil ito’y boring at gusto challenging
Aaliwan ng wagas ang sarili ng unlimited at walang kontrol
Wala ng sinusunod, rebelde at wala ng galang sa magulang
Wala ng pakialam sa iba kundi kapakanan ng sensitibong pansariling emosyon
Sa bawat malaking kamalian ay maraming nadadamay at naaakpektuhan
Paulit-ulit -ulit lamang lahat at matagal ang pagbabago dahil sa palaging dahilang tayo’y tao lamang.
Likha ni: Herbert Guitang
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem