Tiwala sa sarili Asan ka?
Pwede ka ba pumunta kung saan ako nakatira?
Mukha atang nawiwili ka
Sa katawan ng iba!
Sa akin ka dapat nanunuluyan
Sa aking katawan lamang
Baka naman iyong nakalimutan
Na ako miminsang iyong tinirhan
Sa sandaling ito ikaw ay aking kailangan
Bigyan mo ako ng konting kalakasan
Na mapagtagumpayan ko ang lahat ng bagay
Halinang bumalik ka at samahan ako sa tagumpay.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem