Tumatakbo Na Naman Tayo Sa Kawalan. Poem by John Delle Panlaqui

Tumatakbo Na Naman Tayo Sa Kawalan.

Anibersaryo na ng panahon ng delubyo,
Buwan din ito ng kalbaryo,
Kalbaryo saming isipan,
tulad ba dati ang mga daraan sa buwan,
lalamunin ka ng iyong nakaraan,
Tatakpan ng dilim,
At saglit kang dadalawin ng lungko't lumbay.
Nagigising na naman ang pakiramdam,
kumukulo't bumubukal sa isipan,
Sa bawat pag uwi, paghiga, at pagpikit.
Ang himbing ng gabi sa aktibo mong immortal na katanungan.
Eto na naman ba?
Mararanasan kuna naman ba?
Makakawala pa ba?
Tumatakbo na naman tayo sa kawalan.


Madilim na naman
Madilim ang kalangitan
Madilim para sa isang taong nabubuhay sa katahimikan
Sa isang taong pagod na sa lahat ng bagay
Sa isang taong ni walang isang kahati sa lumbay
Sa isang taong gulong gulo at litong lito na sa pag iral
Madilim na ang kanyang mundo sa maliwanag na pasilyo
tumatangis sa kanyang masiglang tambayan
Nakadungaw sa ibaba
Pababa ng pababa
Pababa
Sa duloy ng kalaliman
hanggang mahulog sa isang katanungan
Sino ako?
Nasaan nako?
Saan ako patungo?

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success