Tunay Na Kaibigan… Meron Pa Nga Ba? Poem by JOJO PESCADOR

Tunay Na Kaibigan… Meron Pa Nga Ba?

Sa panahon ngayon mahirap na atang
Makahanap ng matatawag na tunay na kaibigan.
Isang pader na pwedeng masasandalan
Sa kapanahunang ika'y natitibag at naguguluhan.
Isang compass na hindi ka hahayaang maligaw
At tubig na papawi ng iyong uhaw.

Sa panahon ngayon sino pa nga ba
Ang matatawag mong tunay na kaibigan.
Isang diary na mapagtataguan mo ng sekreto
At mapagbubuhusan mo ng emosyon mo.
Isang flashlight na iilawan ang iyong daan
Para hindi ka matisod sakaling madaming harang.

Sa panahon ngayon sino pa nga ba
Ang matatawag nating tunay na kaibigan.
Isang kaibigang mananatili sa iyong tabi
Para patibayin ang loob mong sawi.
Isang kaibigang matutuwa at magdidiwang sa tagumpay mo
At malulungkot at magwawala sa kasawian mo.

Sa panahon ngayon…
Meron pa nga ba?
Meron pa nga ba tayong matatatawag na tunay na kaibigan?
Kung meron ka, maswerte ka kaibigan
Dahil meron kang pader na masasandalan
Sya'y magtuturo ng tamang direksyon mo gaya ng isang compass
Sya'y tunay na kaibigan
Matuwa ka't magdiwang
At dapat mo syang mahalin at pahalagahan.

Kaya't sa mga itinuturing kong mga tunay na kaibigan
Salamat at hindi nyo ako iniiwan.
Tunay nga kayong kaibigan
Sa lahat ng panahon palagi kong nasasandalan.

Wednesday, May 31, 2017
Topic(s) of this poem: friendship
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
This is dedicated to my real friends.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
JOJO PESCADOR

JOJO PESCADOR

BAYAMBANG, PANGASINAN
Close
Error Success