Tuwad At Tiwarik Poem by Pacific Hernandez

Tuwad At Tiwarik

Sabi ko kay mahal, "Ako'y nangangamba
Kapag ang takdang araw ay dumating na
na sa harap ni Lord, kelangang isulit
ang mga gawa ko, ang tama at lihis.
Ang aking pangamba'y baka niya na-delete
Sa files niya ang aking tamang gawa't good deeds.
Kaya ang ika ko'y ako'y naglilista
Ng mga gawa kong tama at maganda
Na kung sa files niya ay nabura, na-erase
At ang timbangan ko ay mukhang tagilid,
Muli't isa-isa ko na isusulit.

Naku! , ang sabi niya, Ay tigilan mo na
Ang lista-lista mo't iya'y walang kuwenta!
Sa aking-akin lang na mga atraso mo,
Ay Tuwad, Tiwarik ang timbangang iyo! "

Sunday, November 13, 2016
Topic(s) of this poem: judgement
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success