Pagpasok mo sa jeep,
lahat ay uusog at sa likuran ka ng driver mapupunta
Pag may nagbayad, ikaw ang kukuha
Pag may sukli, ikaw ang mag-aabot
Ang iba’y nagtutulugan, ang iba’y tinatamad, at ang iba’y kunyari’y may ginagawa
Nakakadiri ba mag-abot?
Nakakahiya ba kunin?
Wala ng nagpapasalamat kapag naabutan ng sukli
Wala ng nakikisuyo pag ibibigay ang bayad
Sa jeep din nakikita ang walang galang at walang disiplina
May mga mahahalay din at sumusilip sa dibdib o sa hita
May mga dumidikit ng siko sa mga babae
May umuupo ng nakabuka o nakatagilid na halos ayaw paupuin ang iba
Pag sexy na babae naman, saka lang uusug o sasabit na lang
Meron din mga studyanteng sobrang lakas ng tawanan
Halakhakan, parang sigawan ang kwentuhan
Nagagawa pang magkulitan at magharutan kahit siksikan navp
Hindi na nahihiya ng konti sa ibang pasahero
Wala na akong naririnig na Thank you, po, at salamat po
Sa driver naman, ginagawang sardinas ang jeep
Payat o mataba ay pagkakasyahin pa rin
Nabibingi kapag kinikuha ang sukli
Minsan kulang lagi ang sukli
Barumbado magmaneho, liko liko sabay preno
Mga wala rin galang sa mga pasahero ang iba at yung kundoktor
Para na po sa tabi
Bababa nako
Salamat sa inyong pagbabasa
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Mahusay. Totoo ngang nangyayari ito.: D