Urong-Sulong Poem by Grace Svensson

Urong-Sulong

Nagkita, nagkwentuhan
Nagkatawanan
At tila ba nagkakaibigan
Pasasaan ba ang hangganan?

Meron bang patutunguhan
Sa mga ngiti na miminsan
Aking pinakawalan
Para bang alay sayo lamang

Hinihintay lagi
Susunod na mangyayari
Puso ay lumulundag na wili
Sa lahat ng pangyayari

Ngunit tila ba ay minsan urong sulong
Itong ating sarili
Sa mga sandali
Nating parati.

Copyright © Grace Svensson
September 27,2022

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success