Edwin Alba Empestan

Rookie (JULY 2,1954 / PHILIPPINES)

(aai) Pangarap Mo, Noon At Ngayo’y Bangungot Mo - Poem by Edwin Alba Empestan

Ako si Juan De la Cruz malusog na isinilang
Lumaki ng husto sa alaga at aruga ng aking mga magulang
Ang tatay ko’y pangkaraniwang anluwagi at magsasaka
Ang nanay ko ay pangkaraniwang may bahay at mananahing aba’

Lumaki ako na may mithiing maganda at may malaking pag-asa
Sa turo at magandang halimbawa ng mga magulang
Aking pag-iisip napayaman at napaunlad ng lubos
Turo at halimbawa ng magulang sadyang niyapos

Naging ganap na binata na tuwid ang paninindigan
Sa Diyos o Poong Maykapal ang pananalig ay lubos
Buhay ang katumbas ng sino mang lumapastangan
Walang yaman pero sa dangal ay umaapaw tila kayamanan din

Napakaganda ng mga paligid sa nayon
Lahat ay masigasig, pagbibigayan ay adhikain
Pagbibigayan, pagtutulungan ay siyang pinapairal
Pakikipag kapwa tao pag-galang na lubos sa mga may edad

Mga kadalagahan sinasamba at lubos na ginagalang
O kay sagana ng aming nayon sa payak na mga buhay
Ang lahat ay malulusog, masaya na nabubuhay sa mga biyaya ng lupa
Lahat ay tila masasaya at tila walang mga problema

Masdan mo ang ilog yao’t nag tatampisaw ang mga kabataan
Masdan ang kadalagahan yao’t sa ilog na naglalaba’t naliligo
Batis na kasing linaw ng mga mukha ng mga kababaihang nayon
Nag bibigay buhay at saya sa bawat taong naa- alinsanganan

Masdan mo ang mga kabinataan at kaakibat ang mga trabaho
Kay ganda ng nayon lawiswis ng mga kawayan pakinggan
Huni ng mga ibon samu’t sari na nag sipag aawitan
Ingay na mga batang nayon na nag sisipaglaro ng piko’t patintero

Alok ng mga nagsisipaglako ng mga pagkain na samo’t sari
Ang ganda ang linis at kaaya-ayang payak na buhay sa nayon
Bayanihan at hind ka nag iisa sa mga bigating gawain at pasanin
Makaka-asa ka at ikaw ay may kaagapay at katuwang di ka nag-iisa

Dumako ka sa aming munting hardin at tila ay nasa paraiso ka
Tanawin ang mga punong kahoy puno ng mga hitik na mga prutas
Mangga, duhat, sineguelas, lanzones, avocado santol at rambutan
Suha, balimbing, aratiles, durian, camachile, kasoy

Sungkitin o akyatin, sa iyo ang makukuha mo bilang panauhin
Mayroon namang mga prutas hindi mo na kailangang akyatin o sungkitin
Nandoon ang mga saging latondan, saba, lakatan, at senyorita
Pagapang na mga pakwan, melon at singkamas

Sa kabilang dako nandoon ang mga mayayabong na mga gulayan ni Inay
Halina’t pumitas bilang parangal sa isang panauhin na kapitbahay
Mamili ka, mayroong upo, patola, talong, ampalaya, sitaw, kalabasa, okra
Alogbate, malunggay, talbos ng kamote, kangkong, at saluyot

Pagmasdan ang munting “tangke” ng tubig, sa gawi roon ang aming tilapyahan
Pagmasdan mong kaaya-aya na mga tilapia ang lilitaw at lulubog
Kumuha ka ng panghuli at magsawa kang manghuli ng gusto mo
Sagana walang gutom kami at ang mga kanayon sa dami ng mga halamanan

Karugtong ng mga gulayan ay ang hardin ng aking tanging Ina at Lola
Ang kay Inay ang mga makukulay at nag gagandahang mga bulaklak
Mga sampaguita, rosal, dahlia, rosas, gumamela, anthurium, at “yellow bell”
Sa gilid ng bawat mga bulaklak ay ang mga nakahilirang mga chichiricas

Ang kay lola ay mga halamanang herbal sa pag-gagamot ng mga simpleng sakit
Gaya ng herba buena, luya, bataw, buyo, sili, tanlad at marami pang iba
Sa isang dako naroon din ang alaga naming mga hayop gaya ni Bantay ang aming aso
At si Ikit ang aming pusang itim sadyang mabangis sa paghuhuli ng mga bubuwit

Mayroon kaming mga tandang, inahin na mga manok, mga pato, mga ganza, at mga pabo
Naroon din ang mga kambing namin at ang kanilang mga inakay
Nandoon si Uma ang inahing baka na nagbibigay sa amin ng gatas
Si Kules ang aming damulag na katulong ni itay sa tumana

Sa dako pa roon matatanaw mo ang mga taong sumasaka sa aming tumana
Naroon din ang ilan sa mga pilapil namin na tila hitik at kulay mga ginto
Palay na siyang inaasahan sa ating pang-araw araw na mga pagkain sa hapag kainan
Ihip ng hangin sabay dapyos at pag-indak ng mga maisan ni Tatay

Usbong ng kabute sagana sa nutrisyon pangkalusugan
Mga inahing manok pumuputak tuloy tuloy ang pag-iitlog
Tunog ng kampana hudyat sa paglubog ng haring araw
Pag bigay pugay sa Poong Maykapal taglay sa buong pamilya

Magarang gabi mga binata naghahanda sa panghaharana
Magagandang mga dilag tila mga bituin sa langit
Humahalimuyak tila mga bulaklak sa isang hardin
Mayuming mayumi at kaibig-ibig sa mga makikisig na mga kabinataan

Halina sabayan at umindayog sa tugtog ng mga binata
Paghaharana isang katutubong payak na pag susuyo sa nililiyag
Buksan mo hirang ang bintanang nakapinto, dungawin mo
Ang binatang makisig naniningalang pugad sabayan mo ang kanyang pag-awit

Kaakit-akit na gitara tugtog ng masugid na binata
Pagbukas ng iyong bintana pag-asa humudyat sa binatang matiyaga
Isang ngiti mo tila nag babadya, sa mailap mong puso na wagas
Binata tuloy ang tugtog ng gitara boses na nakakaakit sa nililiyag

Iyan ang libis ng aming nayon masaya, maunlad at tahimik
Bawat mga puso ay wagas walang pag-iimbot at inggit
Lahat ay nag bibigayan umiibig at iniibig
Ngayon ang katahimikan nitong kaparangan at kanayunan

Ay tila isang panaginip na lamang isang guniguni
Ngayon ang mga magulang ay masyadong abala sa mga trabaho
Pag aaruga sa supling hindi magampanan sa bote ang palaki sa bata
Sa katulong ang pag-aalaga ay pinagkakatiwala pag-iisip ng katulong ang siyang natutunan

Mga batang walang alam at takot sa Diyos puro pagpapasarap sa buhay ang inatupag
Pagsisimba sa simbahan ay mga banyaga sa kanila at “pot session” ang kapalit
Pag sisinghot ng “shabu” at disco ang kapalit ng dasal, at pag bibigay pugay sa Maykapal
Panonood ng mga malalaswang pelikula at DVD ang inaatupag sa mga libreng panahon

Wala ng mga galang sa mga matatanda, mga paligid animo’y gubat na aspalto
Pagbigay upuan sa mga kababaihan at mga matatanda sa sasakyang pampbubliko ay limot na
Ang mga 'iba' sa mga kababaihan ngayo’y masyadong moderno sigarilyo, droga at good time ang hanap
Pera ang tila laman ng utak walang pagkabahala sa pagkababae nila.

Ang mga paligid natin ay sobrang madumi na, ilog ay puro langis at basura
Hindi na pwede pagtampisawan at mag kakasakit ka, ni isang isda ay wala
Lulutang lutang mga labi ng patay na mga hayop o kung minsan tao pa
Mga 'iba' sa kabinataan masyadong presko walang modo at walang pakialam

Bayanihan na noon hinahangaan ngayo’y mag isa ka manigas ka wala silang 'paki'
Mga ibon tila ay nag silikas na, larawan na lang ang tingnan mo at mangarap ka
Mga munting hardin ni Nanay at Lola ay wala na at puro 'subdivision' na
Mga punong kahoy ay nangagsiwala na puro poste ng mga koryente ang kapalit

Mga prutas sa palengke ay puro galing sa ibang bansa, mga gulay ay salad sa 'fastfood' na lang
Mga ibang kabataan ang hilig ay mga karne at hindi na mga isda na hango sa ating mga dagat
Mga halamanan sa konting karamdaman ay nangagsiwala na at puro mga 'chemical' na lang
Mga kalabaw ay pinalitan na ng mga traktora sa pag aararo

Mga kabataan wala ng inatupag kundi ang mga “cellular phone” kabibilis ng mga daliri
Sa mga 'text messaging' masyadong sanay, sa pagma-“malling” ang tunay na mga kaligayahan
Mga palayan ay nangagsiwalaan na at puro 'subdivision' na isa sa dahilan kung mahal na ang mga bigas

Iyan ang buhay natin ngayon sa maunlad at modernong Inang Bayan natin
Na talamak sa 'corruption' at nakawan sa mga pamunuang pamahalaan natin
Ikaw si Juan De La Cruz na noo’y puno ng pag-asa at inaasahan
Ngayon ikaw pa rin si Juan De La Cruz na binabangungot sa salimuot ng iyong paligid


Comments about (aai) Pangarap Mo, Noon At Ngayo’y Bangungot Mo by Edwin Alba Empestan

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Friday, June 13, 2008

Poem Edited: Thursday, July 3, 2008


Famous Poems

  1. Still I Rise
    Maya Angelou
  2. The Road Not Taken
    Robert Frost
  3. If You Forget Me
    Pablo Neruda
  4. Dreams
    Langston Hughes
  5. Annabel Lee
    Edgar Allan Poe
  6. If
    Rudyard Kipling
  7. Stopping By Woods On A Snowy Evening
    Robert Frost
  8. I Do Not Love You Except Because I Love You
    Pablo Neruda
  9. Do Not Stand At My Grave And Weep
    Mary Elizabeth Frye
  10. A Dream Within A Dream
    Edgar Allan Poe
[Report Error]