Aking Mahal Na Ina Poem by Grace Svensson

Aking Mahal Na Ina

Ikaw ang nagdala sa akin ng siyam na buwan
Ikaw ang nagbuwis ng buhay upang ako ay maisilang
Araw gabi walang humpay
Ikaw ang umagapay

Walang pagod, walang tigil na pag-aalaga
Ang iyong ibinigay sa akin aking Inang mahal
Walang hanggang tyaga
Walang hanggang pagmamahal

Kaya magpahanggang wakas
Hindi ko malilimot ng wagas
Lahat ng iyong isinakripisyo at ibinuwis
Upang ako ay mabigyan ng magandang bukas

Muli po mahal kong Ina, marami pong salamat
Sa busilak mong puso at kaluluwa
Na sa akin ay nag-aruga
At sa buong pagmamahal mong walang katapat.


Copyright © Grace Svensson
May 9,2021

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success