Sayaw Poem by Grace Svensson

Sayaw

Rating: 5.0

Tara ng umindayog
Sa saliw ng tugtog
Marahan nating isabog
Mga paggalaw na me pagdabog

Ako ay mauuna
At iyong tingnan
Ng mga sulyap mong walang alinlangan
Kahit dahan dahan lamang

Subukang ako ay pasigawin
Mula sa haplos ng iyong angkin
Pero puro lang sa tingin
Kamay ay wag gamitin

Akin bang mararamdam
Halimuyak mo ay nasaan
Paglapit sa akin
Halinang magsayawan.

Thursday, January 25, 2018
Topic(s) of this poem: dance
COMMENTS OF THE POEM
Aya Sunga Askert 29 January 2018

Wow! I get kilig! ! ! A 10 for me

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success