Ako ay ako,
Pwedeng magbago.
At bawat galaw,
‘Di matuklaw.
Ako'y walang perpeksiyon,
Galaw ay lagging naaayon.
‘di rin kagandahan,
Ngunit maaasahan.
Kapag ako'y kagalit,
Sa bagay na maliit,
Kayo'y ‘di kasusuklaman
Sana'y inyong malaman.
Mnsan ay masayahin,
At nakalilimutang maghinhin.
Sana'y maintindihan,
Ako'y pagbigyan.
‘Di man maasahan na sarili'y ayusin,
Katapatan ay ‘di mapapaltos.
Asahang andito ako
Nagsasalita sa tabi mo
At pagbigkas ay walang preno.
Sa aking mga idlip,
Ika'y iisipin sa halip.
‘Di rin maisip,
Isa ring sipsip.
Nagnanais ng konting pansin,
Na gusto kong maging akin.
Dahil mula noo'y hindi ko nakamit,
Kahit magagara ang damit.
Ibig kong inyong matanggap,
Ako na ‘di mapagpanggap.
Aking hinahanap ay totoong kaibigan,
Kaya't mithiin kong pagbigyan.
Eto, ako bilang ako,
Nagpapakawawa ng pangako.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem