Bernard F. Asuncion

Gold Star - 139,732 Points (July 30,1967 / Subic, Philippines)

Ang Asin Ng Sanlibutan - Poem by Bernard F. Asuncion

Ang asin ng sanlibutan
Ay nagmula sa dagat;
Gawa ng Inang Kalikasan,
Ang lasa ay maalat.

Ang asin ng sanlibutan
Ay totoong napakahalaga;
Kailangan ito ng katawan
Upang tubig di agad makawala.

Ang asin ng sanlibutan
Ay may iba't ibang uri;
May magaspang at pino,
May orihinal at peke.

Ang asin ng sanlibutan
Ay hindi lang para sa lutuin;
Gamit din upang di mabulok,
Karne ng hayop o isda rin.

Ang mga tao sa mundo
Ay alipin ng kabulukan;
Pinagtularan sa Iglesia ni Cristo
Ang asin ng sanlibutan.

Topic(s) of this poem: life

Form: Verse


Comments about Ang Asin Ng Sanlibutan by Bernard F. Asuncion

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Tuesday, March 21, 2017



[Report Error]