Catherine Agunat


Asotea Ng Paraiso - Poem by Catherine Agunat

Bintana't bubungan ng kahapon ay tuluyang naglaho
Hindi man nakayanang ikulong sa ladrilyong kuwadro
Bumulagta naman asotea ng paraiso
Kung saan wagas na pagsinta'y kusang tumubo

Sa paglipas ng araw, pagkadalisay ay lalong tumingkad
Mistulang rosas sa pag-usbong at pagbukadkad
Puspusang panalangin sa Itaas ang nagsilbing dilig
Sa tuluyang pag-ani ng dakilang pag-ibig

Bagong mukha ng kaluluwa, hatid ay maaliwalas na umaga
Asotea ng paraiso mas lalong pinagaganda
Ang kastilyo ng hari'treyna'y dinaig
Sa kislap ng mga matatamis na ngiti't titig

Ah, ang buhay ay hindi kailanman naging madaya
Pagpaparaya ay may handog na ligaya
Bubungan man at bintana'y nawala
Asotea ng paraiso naman ang kapalit na biyaya.


Comments about Asotea Ng Paraiso by Catherine Agunat

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Sunday, February 10, 2013



[Report Error]