MELVIN BANGGOLLAY

Veteran Poet - 1,139 Points (11/07/1975 / Natonin, Mountain Province, Philippines)

Awit Ng Pag Ibig - Poem by MELVIN BANGGOLLAY

AWIT NG PAG-IBIG
Melvin Banggollay

Awit ng pag-ibig ay may dakilang himig
Na kayang alisin luha't pait ng umiibig
Pagkat puso'y galak ang bukam-bibig
Sa bawat himig ng pagsuyo na nakakakilig.

Tunay na may kakaibang diwa ang dala
Ng mga awiting pag-ibig na ang panata
Ay magmahal ng wagas at buong pagsinta
Kahit hatid man nito'y wakas ng hininga.

Di man ito palaging inaawit para marinig
ito'y nasa himig ng pagtibuk at pagtindig
ng abang pusong tunay at wagas na umibig
at sa bawat kislap ng matang naliligalig.

Awit ng pag-ibig hatid ay ibang saya
Lalo na pag awitin ng buong pagsinta
at bawat nota'y damhin ng buong diwa
at pag naririnig mo'y dagling iibig ka.


Comments about Awit Ng Pag Ibig by MELVIN BANGGOLLAY

  • (5/12/2008 3:26:00 AM)


    i remember the song ' himig ng pag-ibig' and this is even better.
    ang himig ng iyong tula ay lalong nadarama pagkat ang bigkas ng iyong puso ay sa sarili nating wika. ngeee tama ba? well? i tried :)
    (Report) Reply

    0 person liked.
    0 person did not like.
Read all 1 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, March 27, 2008



[Report Error]