Rey Benipayo

Babalik Ako

Hindi dito iikot ang mundo ko
Hindi dito magsisimula at magtatapos
Ang agos ng buhay ko
Hindi lang kayo ang makikilala ko
Dahil gusto ko ay iba ibang tao
Iba ibang lahi at kultura
Kaya ngayon pa lang,
Paalam muna sa inyo

Babalik ako
Sa tapang panahon
Kung kailan napagod na ako
Sa pakikipagsapalaran sa buhay
Kung kailan marami na akong natutunan
At nakilalang mga estranghero

Babalik ako
Dahil dito naman ako nakatira
Nandito naiwan ang puso ko
Gusto kong mamatay dito
Kasama kayo mga kaibigan at kapamilya

Gusto ko lang magsaya
Magkapera, magkaroon ng mga bagong kaibigan,
Mga bagong kakilala na nasa malayong lugar
At gusto kong matutunan lahat ng bagay
Kaya gusto ko munang mag-adventure

Babalik ako sa tamang panahon
Baka matanda na ako nun
Ibabahagi ko lahat ng adventures ko
Kahit ano pa man ito
Ipagmamalaki ko mga lugar na napuntahan
Mga alaala ko dun maganda man o hindi

Kahit pa nasa malayo man ako
Ay hinding hindi ako magbabago
Kung sino ako noon ay ganun din ako
Sa pagbalik ko, sa muli nating pagkikita
Sumpa man, pangako ko talaga...
Babalik ako dito sa pinakamamahal kong lugar!

Topic(s) of this poem: adventure, friendship, home, people, town

Poem Submitted: Wednesday, February 20, 2019

Form: Narrative


Add this poem to MyPoemList

Rating Card

5,0 out of 5
1 total ratings
rate this poem

Comments about Babalik Ako by Rey Benipayo

  • Bernard F. AsuncionBernard F. Asuncion (2/21/2019 12:48:00 AM)

    Nakaka-touch ang tula mong ito, Rey.....10++++++

    Report Reply
    Rey BenipayoRey Benipayo(2/21/2019 2:32:00 AM)

    thank you po

    0 person liked.
    0 person did not like.

Langston Hughes

Dreams



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags