Estranghero Poem by Grace Svensson

Estranghero

Isa, dalawa, tatlo
Ikaw ang nakita ko
Nakatingin di mapagtanto
Kung ano ang iyong gusto

Mga mata ay mapungay
Halos mawalan ng malay
Sa iyong tingin pa tila ay
Di ako makasabay

Aking mga kilos pilit kong binibilang
Na para bang walang masasayang
Sekundo, minuto at oras tila naglaho lamang
Sa kakatitig ko rin sayong kabuuan

Ano ang meron bakit ganito
Halos ako ay di magkandatuto
Sino ka nga ba?
Isa ka lang naman dakilang estranghero…

Copyright © Grace Svensson
September 27,2022

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success