Captain Herbert Poetry


Hanggang Sa Huli (Until Your Last Embrace Laid To Rest) - Poem by Captain Herbert Poetry

Pinagsilbihan mo Ako ng buong-buo
Inalay lahat sa Akin sa iyong paglilingkod
Sobra ang iyong lungkot kapag naliligaw ang kawan
Masaya ang iyong ngiti kapag nagpupuri ang iyong mga tupa

Iyong pamilya at lahi pinasunod mo sa Akin
Isang mabangong halimuyak sa Akin ang katapatan
Pinandigan mo ang Aking Pangalan ng buong tapang
Puro ang iyong puso na nakaupo lamang Ako sa loob mo

Halika na anak ko at magpahinga sa Aking Tahanan
Hindi ka na mahihirapan magtungkod dahil ililipad kita sa aking Paraiso
Dito’y sabay na tayong magpupuri ng walang hanggan
’Wag ka ng malungkot sa iyong mga iniwan, hindi Ko sila papabayaan

’Wag ka ng umiyak dahil sabik na sabik mo na silang makita
Pupunasan ko ang iyong mga luha na punong-puno ng pag-ibig
Tahan na Anak at pumasok na sa malaking palasyo ng inihanda ko para sayo
Inuna mo at tinalikuran lahat para mapasaya mo Ako

Isa kang sundalo ng Diyos na laging handa sa mga gawain at mga panalangin
Lagi mong katabi ang Aking mga Salita na lagi mong ipinamapamalita
Sinunod mo ang Aking landas kahit matarik at makipot makapiling mo lamang Ako

Mula noong ipinanganak ka, inihanda na kita sa iyong mga krus na malalagpasan
Mula umpisa’y tinapos mo, nagpagaling, nagbasbas sa Ngalan ng kaluwalhatian
Hindi ka dumadaing kapag kumikirot ang iyong sakit
Bagkus tinataas mo pa iyong kamay ng may pasasalamat

Kahit nakahiga ka na’t hindi na kumakain, kahit hindi na bumubuka ang iyong mga mata, kahit wala ng mga salitang lumalabas sa iyong bibig, ibinabalik mo pa rin sa Akin ang kapurihan
Wala ng sandali, wala ng bukas, nakahimlay ka ng mapayapa at nagmahal sa lahat
Hanggang sa huli mong tibok ikinalong mo ang Hesus sa iyong kaluluwa
Hanggang sa huli, hanggang sa iyong hantungan, yayakapin kita ng mahigpit dahil nagtapos ka ng may karangalan sa buong at walang-hanggang langit.

Topic(s) of this poem: death of a friend

Form: Irregular Ode


Poet's Notes about The Poem

A tribute poem to our beloved Pastor George Del Rosario

Comments about Hanggang Sa Huli (Until Your Last Embrace Laid To Rest) by Captain Herbert Poetry

  • (11/30/2015 8:38:00 PM)


    magaling, punongpuno ng pagmamahal...mahusay pagkahabi, nakikiramay po ako (Report) Reply

    Captain Herbert Poetry Captain Herbert Poetry (12/1/2015 10:04:00 AM)

    Maraming salamat sa pinaka-unang komento. Isa kang Poet na may magandang pakiramdam sa mga tula

    0 person liked.
    0 person did not like.
Read all 2 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Friday, November 20, 2015



[Report Error]