Hindi Ako Isa Poem by Pacific Hernandez

Hindi Ako Isa

Rating: 5.0

Sa 'king pag-iisa ay nahinuha ko
Na ako pala ay di iisang tao
Ako ay kung ano'ng aking tinutula
Ang isa'y nakangiti, ang isa ay may luha
Madalas, ang paa ko'y itinatapak
Sa ibang sapatos, bakya o tsinelas
Upang maramdaman, mahiram sandali
Ang puso't damdamin ng mga may-ari
Na katulad kong sa pag-ibig ay sawi

Wednesday, April 11, 2018
Topic(s) of this poem: loneliness
COMMENTS OF THE POEM
Bernard F. Asuncion 12 April 2018

Kabayang Pacific, makahulugang tula....10+++++

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success