Ang buhay kong ito'y naging makabuluhan,
Sa piling ng pamilya't mga kaibigan;
Kasama ko sa lungkot at kasiyahan,
Tunay na inspirasyon kailanman.
Ngunit ngayong ako'y nag-iisa,
Dito sa mundong malayo sa kanila;
Tanging magagawa ko'y kumapit sa ala-ala,
Na tila nagbibigay pag-asa.
Sa tulong ng payo't aral na itinuro nila,
Alam kong makakaya ko ang anumang problema;
At ang laban na ito'y iaalay ko sa kanila,
Di ako susuko, yan ang pangako tuwina.
Dahil alam kong isang araw paggising ko sa umaga,
Pamilya't kaibigan ay muling makakasama;
Lubos na natutuwa sa tagumpay kong dala,
Tagumpay na nakamit ko dahil sa kanila.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem