Kaibigan Poem by Grace Svensson

Kaibigan

Minsan bigla na lang dumadating
Isang tao sa buhay natin
Estranghero, di natin kakilala
Sa paglaon ituturing na pamilya

Sa tawanan
O iyakan man
Laging nagdadamayan
Di mapantayan ating pagsasamahan

Sa pag-abot ng mga pangarap
Sabay tayong magsisikap
Magkahawak-kamay
Pati sa tagumpay

Di tayo kayang paghiwalayin
Ng mga pagsubok man o hilahil
Kahit na pilak at ginto marahil
Walang mailalaban sa atin

Sa pagdaan ng panahon
Lalong magkakalapit
Suliranin magkasamang lulutasin
Samahan lalong humihigpit

Parang iisang magulang
Ang pinagmulan
Halos magkapatid kung magtinginan
Magpahanggang kailan

Sa ating pagtanda
Ating babalikan ang mga tawanan
Mga away o tampuhan man
Ng mga nakaraan

Nangangako na magkasangga
Sa lahat ng bagay
Aking kaibigang mahal, ikaw ay yaman
Sinusumpa ko na ikaw ay iingatan, magpakailanman.

Copyright © Grace Svensson
January 30,2018

Wednesday, January 31, 2018
Topic(s) of this poem: friendship
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success