Katotohanan sa mundo
Karamiha'y bulag dito
Madami ang nalilito
Iba'y nagugulo
Mahapdi kung ika'y iwanan
Mahal sa buhay na iyong pinahahalagahan
Mga taong mamahalin mo palang di inaasahan
Nagpabago sayo, mas masakit pag ika'y iniwan
Nadadanas pagdurusa
Tila baga nag-iisa
Maykapal huwag tawagin muna,
Kung di pa handang ihakbang ang paa
Imposible man bitui'y abutin
Huwag subukang putik na lamang ang dukutin
Iyong pansinin,
Putik, putik lamang yan, putik pa rin
Sa buhay kaydaming hinahanap pa
Lahat na lamang pinoproblema
Sagot mo'y nasa harap na
Tanggalin takip sa iyong tenga
Kay daling intindihin
Pag musmos ay takot sa dilim
Ngunit kay hirap tanggapin
Kapag liwanag ang ayaw harapin
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
very nice write and a good poem of truism...keep up the good job... Ency Bearis