Langis At Tubig Poem by Pacific Hernandez

Langis At Tubig

Mga halakhak mo'y kidlat ang katulad
Na sa pandinig ko'y tumagos, bumasag
Sa aking puso ay tinik naglagos
Nag-iwan ng subyang, ng mga salubsob

Ng alaala mo'y laging nasasaling
Ang mga subyang na tumimong malalim
Mga alaalang mahapdi't mapait
Ang mga kataga na iyong sinambit
'Iba ang sa iyo at aking daigdig
Hindi mag-iisa, hindi magsasanib
Ang nila'y katulad ay langis at tubig

Sunday, February 27, 2011
Topic(s) of this poem: love and pain
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success