Ako'y manlalaro sa isang takbuhan.
Dinidisiplina ang aking katawan.
Ako'y nagsasanay at nakatalaga,
Nakatanaw ako sa mismong medalya.
Iniiwasan ko sa aking pagtakbo
Na paa'y matisod, sa laba'y matalo.
Di ko ginagawa, paglingon sa likod,
Ni ang pagsuko sa hirap at sa pagod.
Bagaman sa laro ay sadyang marami
Ang mga kalahok o mga kasali
Ay iisa lamang ang magtatamasa
Ng nilulunggating gintong gantimpala.
Sa paligsahan ay aking minimithi
Na magtatagumpay ako't magwawagi.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem