Sa buhay may mga nais kang makamtan
Mahaba ang listahan
Di mawari kung alin
Ang iyong uunahin
Puno ang isipan
Mga kaplanuhan
Mga kaisipan
Na nagkalat kung ilan
Maraming kagustuhan
Ng puso at kaibuturan
Tunay na kaligayan
Ang siya pa ring nananahan.
Copyright Grace Svensson
December 10,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Dear Ate Grace, isa pang magandang tula ang naisulat mo......................