Pacific Hernandez

Freshman - 748 Points (September 17,1937 / Marikina City)

Nasaan Ang Puso Ko - Poem by Pacific Hernandez

Isang umaga no'n, ako ay nagising
Na ang aking puso ay wala sa akin
Kahit anong hanap ay di ko makita
Siya ba ay naligaw, kung saan napunta

Ang ilang babae ay aking tinanong
Kung ang puso ko ba'y sa kanya naroon
Hindi maliwanag ang kanilang tugon
Baka daw ang puso ko'y naglilimayon

Sa kahahanap ay ako'y napagod na
Talagang hindi ko makita sa iba
Siya ba'y na kay Barang o na kay Kulasa
Wala pala doon, nasa kay Violeta


Comments about Nasaan Ang Puso Ko by Pacific Hernandez

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, August 12, 2010

Poem Edited: Thursday, August 19, 2010


[Report Error]