Sa aking pagpapakilala,
Pag-ibig, aking inaalala.
Ako'y may pangarap,
Inaasahan sa hinaharap.
Mahilig ako sa matangkad,
Pero sa katulad ako napadpad.
Mabait, malambing, at maayos,
Boses ko rito'y ‘di mapapaos.
Ginusto kong magsimula,
Sa pagkakaibigan na tila.
Matagal nang magkakilala,
At nang lumaon ay bumaon sa ala-ala.
Nais ko yung mapagtanto,
Balang araw ay laging gan'to.
‘Yung tipo na sa gitna ng usapan,
Magtatapat ng totoong nararamdaman.
Pangarap ko'y may ilangan,
Ayaw ko ng sobrang ibigan.
Mabuti pa ang torpe, totoo,
Kaysa sa puro pormang, ako'y uto-uto.
May minahal ako,
Isang modelo ng pangako.
Laging kasama sa panaginip.
Nasasaktan ako, ngayong ako'y naiinip.
‘Di man ako pinapansin,
Palihim naman kung umaliw at tumingin.
Ayaw kong siya ang nasusunod,
Dahil ako'y babaeng ‘di nalulugod.
Ngayon, ako'y nagtitiis,
Na tila mauuwi sa paglilitis.
‘Di ko na alam ang gagawin,
Baka mawala na, aking tanawin.
Ang pag-ibig ay nagiging mapaglaro,
Buhay ko ay inaararo.
Desisyon ko'y nabibihag,
Kamatayan ang sagisag.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem