Aking mga mata'y sumara na't umidlip,
Ito'y lagi kong gawa pag naiinip.
Dito'y nakikita ang prinsipeng gusto,
Sinasamantalang sulyapan ng husto.
Kaya't araw gabi siyang nakikita,
Nang magising, akala'y namalikmata,
Pagka't nais na irog ang umabala,
Nagtanong pa at nais magpakilala.
Pagkakaibigan pala'y simula na,
Ng aming pag-iibigan kapagdaka.
Sa panahon nitong mabuting samahan,
Kami'y puno niyang tiwala't tawanan.
At sa kaligayahan na't ‘di napansin,
Ang puso ko'y nagawa niyang angkinin.
Sa pagkakataon na ako'y nabihag,
Siya'y nagtapat, makabinging pahayag.
Isang lokoha't laro lamang aniya,
Ako'y nagmukha raw tanga sa kaniya.
Malunod daw ba sa karisma ng gago?
Ano ba't binata'y lubhang nagbago?
Itong matalik na kaibigan ko raw,
Ang siyang papakasalan balang araw.
Itong tadhana ang sa puso'y dumurog,
At panaginip pa rin pala, o, Irog!
Bangungot na itong, masamang pagtulong!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem