Pintig Poem by Grace Svensson

Pintig

Sa unang pintig ng iyong buhay
Pinukaw mo aking kalungkutang taglay
Ang sarili wari na walang saysay
Binigyan ng liwanag, lahat nagkakulay

Lahat ng dalahin at kapighatian
Bigla na lamang nakalimutan
Lahat ng pagdatal naglahong agaran
Sa isang alingawngaw mo lamang

Mga araw at oras tila lumipas
Binigay sa iyo ang lahat ng babas
Inaruga ka ng lubos
Na halos ng lakas ay di nauubos

Sa pagdating ng dapithapon
Matiwasay kong sinalubong
Sapagkat alam kong Ikaw ay pinalaking naaayon
Sa aking pagmamahal na walang kasing hambing hanggang maglaon.


Copyright © Grace Svensson
December 12,2018

Wednesday, December 12, 2018
Topic(s) of this poem: child,hope,mother and child ,motherhood,son,unconditional love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success