Sa Panahong Lungkot Nalang Ang Ating Kasama Poem by John Delle Panlaqui

Sa Panahong Lungkot Nalang Ang Ating Kasama

Hindi na tayo dinadaanan ng antok
Dahil isip ay laging pagod
Hindi na rin tayo napapagod
Dahil hindi tayo makatulog

Hindi na tayo ngayon abala
Dahil sa dami dami ng mga babala
At ayaw na rin natin maka-abala
Dahil maging sila ay kapus na

Hindi na tayo nakakatawa,
dahil lungkot nalang ang lagi natin kasama

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success