Salamat At Paalam Poem by JOJO PESCADOR

Salamat At Paalam

Dalawang salita
Ang isa masarap sa tenga
Ngunit ang isa nakakaluha.

Salamat
Unang salitang sasambitin
Sa mga taong nagmahal sa akin.

Salamat LNU sa tiwala at pagkakataon na iyong binigay
Salamat sa pagakakataong makapaghagi ng talino at kakayahan
Salamat sa mga taong tawag ay Lycean

Salamat sa mga kaguro at boss ko na mababait at matatalino
Salamat sa inyo na nagsilbing kuya, ate, tatay at nanay ko.
Pangalawang pamilya na ang turing ko sa inyo.

Salamat sa mga naging estudyante ko
Mga estudyanteng kilalambing at kitatalino.
Kung kayo'y natuto sa akin
Ako rin naman natuto sa inyo.
Salamat… salamat sa inyong lahat…

Pagkatapos ng 2 taong pananatili sa LNU
Ngayo'y mamaalam…
Salitang ayoko sanang sambitin.
Sa aking paglisan meron sana akong aral na naiwan
Dahil nakakasiguro akong kayo'y tumatak di lang sa isipan
Kundi pati na din sa aking puso.
Salamat at paalam.

Sunday, June 4, 2017
Topic(s) of this poem: thank you
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
this is dedicated to my co-teachers, boss and students in LNU.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
JOJO PESCADOR

JOJO PESCADOR

BAYAMBANG, PANGASINAN
Close
Error Success