Nagtitira ka rin ba para sa sarili mo? Gusto mo na rin bang kumawala sa pakiramdam na ganito?
Laging iniintindi ang sasabihin ng iba,
laging sinisisi ang sarili kapag hindi nakatulong,
laging pabor sa iba ang ginagawa,
ibinibigay halos lahat ng oras at atensyon sa ibang tao,
mas importante ang iba kaysa sa sarili at madalas mas gusto nating gustuhin tayo ng lahat kahit naba ang intensyon natin ay sadyang tumulong lang pero sa dulo tayo ang mali at may pagkukulang.
Mga Senyales ng isan tao 'PLEASER'
-KINAKAILANGAN GUSTO TAYO NG IBA
Lagi nating minimithi na gugustuhin tayo ng iba at iginugugol natin ang oras natin sa pangangambang tanggihan (i-reject) tayo ng mga taong malapit satin. Ang pangambang ito ang nagkukulong sa realidad na ayaw na nating ma"reject" pang muli kaya't ibibigay natin ang kahilingan ng isang tao.
Lagi din nating inisip na kailangan nila tayo. Pinaniniwalaan natin na sa ganitong paraan makakatanggap tayo ng pagkalinga at pagmamahal dahil sa akala natin na mahalaga tayo sa kanila.
Sino nga bang hindi takot ma-reject?
-KAHINAAN NATIN ANG PAGTANGGI DAHIL TAYO AY GIVER
Itinatakda natin sa isipan natin na ang pagsabi ng "Hindi" o pagtanggi sa hiling ng isang tao ay pagsasawalang halaga sa kanya.
Saan ba ito nagiging mali?
Marahil sa punto na mas inuuna natin "sila" kaysa sa sarili natin at minsan may mga taong inaabuso na tayo sa tulong o kabaitan na ipinapakita at ginawa natin para sa kanila.
Ano ang mga possible dahilan bakit natin tinaggap ang ganung bagay?
Ayaw nating iparanas sa mga taong mahalaga sakin ang mga pangyayaring naranasan natin na hindi kaaya-aya. Ang taong hindi nakaranas ng pagmamahal ng isang pamilya ay marahil hindi niya gugustuhin na maranasan ang mga pinagdaan niya sa taong mahal at mahalaga sa kanya.
Meron din naman binibigay ang lahat sa taong mahal niya kahit walang matira sa kanyan dahil para sa kanya ang pagmamahal ay pagpaparaya.
Lagi tayong handang magbigay sa lahat kahit hindi nila ito hinihiling at umaasa tayo sa dulo na masusuklihan ang mga binibigay natin sa iba, nagdudulot ito ngayon sa atin ng pagkakaroon ng bagabag sa sarili.
-PAGSISI SA SARILI SA PAGKAKAMALI NG IBA KAHIT HINDI NAMAN TAYO ANG SINISISI.
Lagi nating sinisisi ang sarili natin sa pagkakamali ng iba. Inaako natin ang mga pagkukulang at kasalanan kahit na hindi naman tayo ang sinisisi.
Itinatanim natin sa ating kaisipan na tayo ang dahilan ng pagkakamali, tayo ang may kasalanan, tayo ay hindi sapat dahil sa pananaw natin na tayo lang ang nakakaintindi at tayo lang ang mulat.
-PAGKAKAROON NG PROBLEMA SA TUNAY NA NARARAMDAMAN
Nagkakaroon tayo ng problem kung tunay nga ba ang nararamdaman natin. Kadalasan ay naisasantabi natin ang sarili nating pananaw dahil iniisip natin na sila ang mas tama. Hindi na natin na maipahayag ang tunay na nararamdaman at marahil hindi na rin matukoy kung ano nga ba talaga ang gusto natin at kung gaano pa tayo katotoo sa sarili natin dahil sa pananaw natin higit na importante ang sasabihin at nararamdaman ng iba.
-IBINUBUHOS NATIN LAHAT NG ATENSYON AT ORAS SA ISANG TAO.
Ibinubuhos natin lahat ng atensyon at oras natin sa isang tao, sa palagay natin mas importantng matulungan sila, mas importante na mabigyan sila ng pagkalinga, at atensyon.
Sa pagkakataon naman na mabigo tayong maibigay ang gusto nating ibigay sa kanila. Humahantong tayo sa pagtatanong sa sarili natin na"kung tayo pa ba ay sapat pa? "
At ang panghuli,
-MADALAS TAYONG MAGALIT AT MAGDUDA SA SARILI NATIN
Madalas tayong magalit sa sarili natin dahil bigo tayo na mapasaya ang taong gusto nating mapasaya, bigo tayo sa pagtulong sa kanila, at bigo tayong mapunan ang pagkukulang ng iba sa kanila.
Nagagalit din tayo sa sarili natin dahil wala tayong nagawa man lang para maging masaya ang taong tinutulungan natin na ni kahit minsan hindi natin na-itanong sa sarili natin kung 'Okay lang tayo? '.
PAANO MAG-D.E.T.A.C.H?
May mga bagay din tayong kailangan pag-aralan at tanggapin para kumawala sa ganitong pakiramdam. Ang mga sumusunod:
Una, kailagan natin tanggapin at hayaan na may mga bagay na hindi natin kayang baguhin at hayaan natin ang panahon at mga pagkakataon na magtama sa isang pagkakamali o karanasan.
Isa pa marahil mas bigyan muna natin sa ngayon ng oras ang sarili natin sa mga bagay na kailangan natin baguhin.
Ikalawa, pakinggan ang iba pero huwag nating hayaan na muling tayo mawalan ng tiwala at respeto sa sarili natin. Minsan, pumikit tayo at pakinggan natin ang ating sarili, isipin ang mga bagay na makakapagpasaya muna satin. Kinakailangan din na gustuhin muna natin ang sarili natin, alamin din natin ang mga bagay na makapagpapasaya satin.
Mali ba na mahalin ang sarili?
Mali ba na magtira din tayo para satin?
Ikatlo, balikan ang mga aral ng bawat pagkakamali at tignan ang mga bagay bagay sa mas obhetibo.
Ikaapat, kailangan nating tandaan na hindi naman lahat ng tao sa paligid natin ay kailangan magustuhan tayo minsan mas makakabuti pang magkaroon na lamang ng "relational boundaries" dahil hindi naman lahat maiintindihan natin at maiiintindihan tayo. Sapat na ginagalang natin sila bilang sila. Huwag na huwag din tayong papaapekto sa sasabihin ng iba dahil mas kilala natin ang sarili natin.
Madalas binubuhos natin ang lahat para sa taong mahal natin pero hindi tayo makakahanap ng tunay na pagmamahal kung hindi natin kilala ng lubusan ang sarili natin.
Sa dulo ng lahat, ikaw at ang sarili mo lang ang tunay na makakaintindi sayo. Paminsan minsan, Okay lang din ang hindi tayo magustuhan ng lahat at wala na tayong magagawa dun dahil iba iba ang personalidad ng bawat tao.
Matatagpuan din natin ang mga tao sumasayaw sa salin ng tugtog na pinakikinggan natin.
Minsan pwede din namang tumanggi.
Hindi nangangahulugan na ang pagtanggi ay kawalan ng halaga ang tao. Ang pagtanggi minsan ay nangangahulugan pagbibigay ng prioridad sa sarili lalu na kung minsan taliwas sa kagustuhan natin ang kanilang kahilingan.
Ang pagtanggi ay hindi pagtalikod bagkus ito ay kapwa pagrespeto sa desisyon ng mga tao tulad din ito ng pagbibigay galang sa ating sarili.
Minsan ay kailangan din natin hayaang na maranasan ng mga taong mahalaga satin ang dumanas ng hirap at sakit, hindi dahil sa kagustuhan lang natin ito bagkus ito ang mas magbibigay sa kanila ng aral upang higit na maging malakas at matapang pa sa pagharap sa mga prublema sa buhay.
ANG SINING NG PAGKALAS
Ang sining ng pagkalas ay pagpapalaya sa nakaraan, sa mga sakit, sa mga bagabag, sa mga pasanin. Ito ang sining ng pagkilala sa sarili at sining ng pagsilang muli.
"Ang pagkalas sa personal na emosyon ay nakahimlay sa kamalayan ng mga bagay na walang kasiguraduhan sa kalayaan mula sa atin nakaraan, kalayaan mula sa kawalan, na kumukulong sa atin. Ang pagkukusa na paghakbang sa walang kasiguraduhan, sa mga larangan ng mga posibilidad ay pagsuko ng ating sarili upang magkaroon ng mapanglikha kaisipan na magiging daluyan sa pag saliw sa musika ng kalawakan"
"Ang personal na pagkalas ay hindi nangangahulugan pag-iwas sa tao bagkus pagpapalaya sa sakit na dulot ng nakalipas."
"Isa rin itong paraan ng pagpapalaya sa mga bagay na nagpapabigat sa atin isipan, mga bagay ang inisip natin na nakakahadlang sa mga bagay na gusto natin makamtam"
Ang personal na pagkalas sa mga emosyon ng nakaraan ay magtutulak sa atin sa pagpapayabong pa sa atin sarili at buhay.
-KATAPUSAN.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem