Saan ko makukuha ang iyong kaamuhan;
Labis akong humanga sa iyong kagandahan,
Enjoy ako sa tuwing ikaw ay namamasdan
Elegante kasi ang iyong katangian
Pwede bang minsan ika’y malapitan?
Iba man tayo ng katayuan
Na kahit ako’y simple lang
Ganun pa man sana hindi ito maging dahilan
Bagabag sa iyong isipan;
Surot sa iyong kalooban,
At ako’y iwasan o kaya’y layuan
Umaasa akong sana'y maintindihan
Tanggapin ang nararamdaman
sa puso mo'y bigyan ng daan.
[Author: Prince Charming 10/31/06madero.manila]
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem